Sa panyaya ni Punong Ministro Prayuth Chan-och ng Thailand, dumating ng Bangkok nitong Sabado ng gabi, Nobyembre 2 (local time), 2019 si Premyer Li Keqiang ng Tsina para dumalo sa Ika-22 Pulong ng mga Lider ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Ika-22 Pulong ng mga Lider ng ASEAN at Tsina, Hapon, at Timog Korea, at Ika-14 East Asia Summit (EAS). Bukod dito, isasagawa rin niya ang opisyal na pagdalaw sa Thailand.
Ani Li, inaasahan ng Tsina na gagawing pokus ng nasabing serye ng pulong ng Silangang Asya ang pragmatikong kooperasyon, multilateralismo at malayang kalakalan, diyalogo at pagsasanggunian upang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito at mapasulong ang pagtatamo ng mas malaking pag-unlad ng East Asia cooperation.
Idinagdag pa niya na layon ng kanyang biyahe sa Thailand na ibayo pang palakasin ang pagkakaibigang Sino-Thai at palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan para mapasulong pa ang komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa.