Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-2 China International Import Expo (CIIE) na idinaraos ngayon sa Shanghai, nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa iba't ibang bansa, na magkakasamang itatag ang bukas at kooperatibo, bukas at inobatibo, at bukas at pinagbabahaginang kabuhayang pandaigdig.
Sinabi rin ni Xi, na igigiit ng Tsina ang pagbubukas sa labas. Sa pamamagitan nito aniya, pasusulungin ng bansa ang reporma, pag-unlad, at inobasyon, para maging mas mataas ang lebel ng pagbubukas sa labas.
Salin: Liu Kai