Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-2 China International Import Expo (CIIE) na idinaraos ngayon sa Shanghai, nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para sa magkakasamang pagtatatag ng kabuhayang pandaigdig na nagtatampok sa pagbubukas at pagtutulungan.
Sinabi ni Xi, na ang integrasyong pangkabuhayan ay pangunahing tunguhin sa kasalukuyang daigdig. Dapat aniyang tutulan ng iba't ibang panig ang proteksyonismo at unilateralismo. Dapat ding bawasan ang mga trade barrier, pabutihin ang global value chain at supply chain, at palakihin ang pangangailangan sa pamilihan, dagdag pa niya.
Salin: Liu Kai