Ipinahayag ngayong araw, Martes, Nobyembre 5, 2019 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat igiit ng iba't ibang bansa ang ideya ng pagpapauna ng sangkatauhan, at huwag ipauna ang sariling interes sa interes ng buong sangkatauhan.
Saad ni Xi, ang gobalisasyon ng kabuhayan ay galaw ng kasaysayan. Sa pamamagitan ng mas bukas na pakikitungo at hakbangin, dapat magkasamang palawakin ng iba't ibang panig ang pamilihang pandaigdig, kompletuhin ang mekanismo ng pagbabahagi ng buong mundo, payamanin ang paraan ng kooperasyong pandaigdig, at pasiglahin ang lakas-panulak ng globalisasyong pangkabuhayan.
Salin: Vera