Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-2 China International Import Expo (CIIE) na idinaraos ngayon sa Shanghai, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na bilang tugon sa mga pangunahing hadlang sa pag-unlad ng kabuhayan, pabibilisin ng kanyang bansa ang reporma sa mga masusing aspekto.
Ayon kay Xi, pabubutihin ng Tsina ang kapaligirang pang-negosyo batay sa mga tuntunin ng pamilihan, batas, at daigdig; paluluwagin ang market access para sa pamumuhunang dayuhan; paiikliin ang mga negative list; at kukumpletuhin ang mga sistema ng pagpapasulong, pangangalaga, at pagsasapubliko ng impormasyon para sa pamumuhunan. Pabubutihin din ng Tsina ang mga batas hinggil sa pangangalaga sa IPR, at palalakasin ang pagpapatupad ng batas sa aspektong ito, dagdag niya.
Salin: Liu Kai