Nagbukas ngayong umaga sa Shanghai, economic hub sa dakong silangan ng Tsina ang Ika-2 China International Import Expo (CIIE). Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na noong unang CIIE, iniharap ng Tsina ang limang hakbangin para ibayo pang magbukas sa labas ang bansa, at tatlong kahilingan para sa ibayo pang pagbubukas sa labas ng Shanghai. Nitong isang taong nakalipas, naisakatuparan sa kabuuan ang nasabing mga hakbang, dagdag pa ni Xi.
Kabilang sa naturang mga hakbangin ang pagkakatatag ng Lingang Free Trade Zone (FTZ) sa Shanghai, at iba pang anim na bagong FTA sa ibang lugar ng Tsina; paglunsad ng science and technology innovation board sa Shanghai Stock Exchange; pagbalangkas ng Batas sa Puhunang Dayuhan na magkakabisa sa Enero 1, 2020; pagpapatupad ng pre-established national treatment at negative list management system; ibayo pang pagpapalawak ng pag-aangkat, pagpapasulong ng konsumong panloob at pagbaba ng taripa; at iba pa.
Salin: Jade