Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-2 China International Import Expo (CIIE) na idinaraos ngayon sa Shanghai, ipinatalastas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang limang pangunahing hakbangin ng bansa para sa pagpapataas ng lebel ng pagbubukas sa labas.
Ang mga ito ay pagpapalawak ng pagbubukas ng pamilihan, pagkukumpleto ng balangkas ng pagbubukas, pagpapabuti ng kapaligirang pang-negosyo, pagpapalalim ng bilateral at multilateral na kooperasyon, at pagpapasulong ng pandaigdig na kooperasyon ng Belt and Road Initiative.
Salin: Liu Kai