Nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa iba' t ibang bansa na magkakasamang itatag ang bukas at inobatibong kabuhayang pandaigdig. Ginawa ni Xi ang nasabing panawagan sa kanyang talumpati ngayong araw sa Shanghai sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-2 China International Import Expo (CIIE).
Diin ni Xi, ang pag-unlad na nagtatampok sa inobasyon ay nangunguna sa sustenableng pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig. Kaya, dapat palakasin ng iba't ibang bansa ang pagtutulungan sa larangan ng inobasyon at pasulungin ang integrasyon ng teknolohiya at kabuhayan. Kailangan din aniyang palakasin ang pagbabahagi ng mga bungang inobatibo, pasulungin ang pagpapalitan at pagtutulungang panteknolohiya ng mga kompanya, at lampasan ang mga hadlang laban sa paglilipat ng karunungan, teknolohiya, at talento. Layon nitong makinabang ang sangkatauhan sa karunungan at bagong teknolohiya, dagdag pa ni Xi.
Salin: Jade