Bubuksan Nobyembre 5 sa Shanghai ang Ika-2 China International Import Expo (CIIE). Dahil sa pagtatagumpay ng unang CIIE, buong pananabik na inaantabayanan ng iba't ibang sirkulo ang gaganaping ekspo. Pawang dumami ang bilang ng mga kalahok na bansa, bahay-kalakal at itatanghal na produkto, at pinalawak din ang bilang at saklaw ng mga booth. Pero, mahirap pa ring tugunan ang pangangailangan ng mga eksibitor.
Ang malaking pangangailangan sa bilang ng mga booth ng CIIE ay nagpapakitang sa ilalim ng kalagayang lumalaki ang presyur ng pagbaba ng kabuhayang pandaigdig, lipos ang kompiyansa ng iba't ibang panig sa kinabukasan ng kabuhayang Tsino, at lipos din ang pananabik nila sa bukas na pamilihan ng Tsina. Lalung lalo na, sa kasalukuyan, umuusbong ang proteksyonismo at unilateralismo, at bumabagal ang kalakalan at pamumuhunan ng buong mundo, ang pamilihang Tsino na walang humpay na nagbubukas sa labas ay nagsisilbing pagkakataong karapat-dapat na makawala.
Ang CIIE ay nagging bellwether ng pagtasa ng tagalabas sa patakaran ng pagbubukas ng Tsina. Ang isang mas malawak, mas de-kalidad at may mas masaganang aktibidad na CIIE ay muling magdidispley sa daigdig ang buong tatag na determinasyon ng Tsina sa pagkatig sa sistema ng multilateral na kalakalan, at pagpapasulong at pagpapaunlad ng malayang kalakalan.
Salin: Vera