Kinatagpo nitong Lunes, Nobyembre 4, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Carrie Lam, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR). Kapuwa sila kalahok sa Ika-2 China International Import Expo (CIIE) na nagbukas ngayong umaga sa Shanghai, economic hub sa dakong silangan ng Tsina.
Kaugnay ng kalagayan ng Hong Kong, sinabi ni Xi na sa kasakuluyan, ang pinakamahalagang tungkulin ng pamahalaan ng HKSAR ay ang pagsugpo ng karahasan at pagpapanumbalik ng kaayusan, para matiyak ang interes at kapakinabangan ng mga mamamayan ng Hong Kong. Ipinahayag din ni Xi ang pagkilala at tiwala ng pamahalaang sentral sa may kinalamang pagsisikap ng HKSAR.
Ipinahayag din ni Xi ang kahalagahan ng patuloy na pakikipagdiyalogo ng pamahalaan ng Hong Kong sa iba't ibang sektor ng lipunan para walang-humpay na mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan.
Salin: Jade