|
||||||||
|
||
Sa paanyaya ni Peng Liyuan, Unang Ginang ng Tsina, dumalaw nitong Martes, Oktubre 5, si Brigitte Macron, Unang Ginang ng Pransya sa Shanghai Foreign Language School affiliated to Shanghai International Studies University.
Sumali ang dalawang ginang sa kurso ng wikang Pranses at kurso ng tradisyonal na sining-kamay ng Tsina na gaya ng paggupit ng papel at pagbuburda. Nagtanghal ang mga mag-aaral ng sayaw at awiting Tsino't Pranses. Sinagot nina Peng at Macron ang katanungan ng mga estudyante.
Sinabi ni Peng na ang kultura ay lumalampas sa panahon at espasyo, at nagpapalapit ng mga puso. Hinihikayat din niya ang mga teenager ng dalawang bansa na pag-aralan at maunawaan ang mga kultura ng Tsina't Pransya, para mapasulong ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Ginang Macro na tumitimo sa kanyang puso ang kagalingan ng mga estudyante, kanilang pagmamahal sa kulturang Pranses at pagsasalin sa kulturang Tsino. Iminungkahi niya sa mga teenager ng dalawang bansa na palalakasin ang pagpapalitan.
salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |