Kinatagpo nitong Martes, Abril 9, ni Peng Liyuan, unang ginang ng Tsina si Lis Cuesta, dumadalaw na asawa ng pangulo ng Cuba na si Miguel Díaz-Canel Bermúdez.
Ipinahayag ni Peng ang pasasalamat sa pakikilahok at suporta ng Cuba sa magkakasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI) para sa komong kasaganaan. Nakahanda aniya ang Tsina na palakasin ang pakikipagtulungan sa Cuba sa iba't ibang larangan.
Hinahangaan din ni Peng ang makulay na kultura ng Cuba, at umaasa aniya siyang mapapahigpit ang pagpapalitan at pagtutulungang pangkultura ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Cuesta ang kagustuhan ng mga mamamayan ng Cuba sa kultura ng Tsina. Umaasa aniya siyang masasamantala ang ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina't Cuba na natatapat sa 2020, para mapasulong ang pagpapalitang pantao at matagal na pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio