Isinalaysay nitong Huwebes, Nobyembre 7, 2019 sa Beijing ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na ang China International Import Expo (CIIE) ay nakapaglatag ng plataporma para sa pag-uusap at transaksyon ng mga eksibitor at mamimili mula sa iba't ibang bansa. Aniya, mainam sa kabuuan ang kalagayan ng pagpapatupad ng intensyon sa transaksyon na narating sa unang CIIE.
Dagdag ni Gao, halos 750 bahay-kalakal ng Unyong Europeo (EU) ang kalahok sa Ika-2 CIIE na idinaraos ngayon sa Shanghai, at umabot sa 105,000 metro kuwadrado ang saklaw ng pagtatanghal, na lumawak ng 25% kumpara noong isang taon. Aniya, walang humpay na tumaas ang kalidad at puwersa ng mga kalahok na bahay-kalakal ng EU, bagay na nagpapakitang ang eksibisyong komersyal ay nakapaghatid ng aktuwal na benepisyo sa mga kalahok na bahay-kalakal ng EU.
Isiniwalat ni Gao na hanggang sa kasalukuyan, mahigit 40 bahay-kalakal ng EU ang nakapag-aplay sa paglahok sa Ika-3 CIIE, at lampas sa 24,000 metro kuwadrado ang saklaw ng pagtatanghal.
Salin: Vera