Kaugnay ng gagawing pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Greece, sinabi kamakailan ni Zhang Qiyue, Embahador ng Tsina sa Greece, na ito ay ibayo pang magpapasulong ng komprehensibo at estratehikong partnership ng Tsina at Greece, at magbubukas ng bagong kabanata ng relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi rin ni Zhang, na ang Greece ay matagal na kasaping bansa ng Unyong Europeo, at nainam ang kooperasyon ng Tsina at Greece sa loob ng balangkas ng Tsina at Europa. Mahalaga rin aniya ang pagdalaw na ito para sa pag-unlad ng relasyong Sino-Europeo.
Salin: Liu Kai