Sa bisperas ng kanyang dalaw-pang-estado sa Greece, inilabas ngayong araw, Linggo, ika-10 ng Nobyembre 2019, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang artikulo sa pahayagang Kathimerini ng bansang ito.
Sa artikulo, ipinahayag ni Xi ang pag-asang, sa pamamagitan ng pagdalaw na ito, patataasin ng Tsina at Greece ang lebel ng kanilang komprehensibo at estratehikong partnership, pasusulungin ang pragmatikong kooperasyon sa iba't ibang aspekto, palalakasin ang kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative, at palalalimin ang pagpapalitang pangkultura.
Sinabi rin ni Xi, na ang kapwa Tsina at Greece ay may mahabang kasaysayan ng sibilisasyong lipos ng katalinuhan. Kailangan aniyang magsikap ang dalawang panig, para magkasamang pasulungin ang pagbuo ng bagong relasyong pandaigdig at pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Salin: Liu Kai