|
||||||||
|
||
Kasama ni Vlassia Pavlopoulou-Peltsemi, Unang Ginang ng Gresya, dumalaw si Peng Liyuan, Unang Ginang ng Tsina sa Benaki Museum, sa kalunsuran ng Athens, nitong nagdaang Lunes, Nobyembre 11, local time.
Habang kinalulugdan ang mga eskultura, pintura at kasuotan, ipinahayag ni Peng ang paghanga sa kamangha-manghang kagalingan at pagkamalikhain ng mga mamamayan ng sinaunang Gresya. Nakikita rin sa mga relikya ng museo ang matagal na ugnayang pangkultura, pangkalakalan at pang-nabigasyon, sa pagitan ng sibilisasyon ng Tsina't Gresya, dagdag pa ni Peng. Maaaring ipagpatuloy ang nasabing ugnayan sa pamamagitan ng magkasamang pagpapasulong ng kasalukuyang Belt and Road Initiative (BRI), para sa komong kasaganaan, diin ni Peng.
Nanawagan din si Peng sa dalawang bansa na ibayo pang pasulungin ang pagsasalin sa mga pamanang kultural, at pahigpitin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga museo, para pagyamanin ang pagpapalitang kultural ng dalawang bansa at makapagbigay ng mas malaking ambag para sa diyalogo at pagtuto ng isa't isa sa pagitan ng iba't ibang sibilisasyon.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |