Nag-usap nitong nitong Lunes, Nobyembre 11, 2019 sa Athens sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Kyriakos Mitsotakis ng Greece. Nagkaisa ng palagay ang kapuwa panig tungkol sa pagpapasulong sa kooperasyon ng Belt and Road.
Sa magkasanib na pahayag ng dalawang bansa hinggil sa pagpapalakas ng komprehensibo't estratehikong partnership na inilabas nang araw ring iyon, nagpahayag ng kahandaan ang dalawang panig na sa pamamagitan ng mga proyektong pangkooperasyon na gaya ng Puwerto ng Piraeus, pasulungin ang pagpapatupad ng memorandum of understanding ng dalawang pamahalaan hinggil sa kooperasyon ng Belt and Road, at ipatupad ang plano sa kooperasyon sa mga pangunahing larangan mula taong 2020 hanggang 2022 na nilagdaan ng mga kaukulang departamento ng kapuwa panig noong 2019. Palalakasin din ng kapuwa panig ang kooperasyon sa seguridad at pasilitasyon ng kalakalan sa adwana, sa ilalim ng bilateral na balangkas at balangkas ng China-Europe land-sea express line.
Salin: Vera