Sa kanyang pakikipag-usap sa kanyang Greek counterpart na si Prokopis Pavlopoulos nitong Lunes, Nobyembre 11, 2019 sa Athens, sinipi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang isang salawikaing Tsino na "kakaunti ang sanlibong baso habang umiinom ng alak, kasama ng isang matalik na kaibigan," para ilarawan ang bawat pakikipag-usap kay Pangulong Pavlopoulos, at pagpapalitan sa pagitan ng Tsina at Greece.
Aniya, bilang dalawang sinaunang sibilisadong bansa, may magkapareho o magkahawig na ideya ang Tsina at Greece, at kapuwa sila nakaranas ng iba't ibang kahirapan at pagpupunyagi para maisakatuparan ang modernong pag-unlad ng bansa. Ang pagkakaibigan ng Tsina at Greece ay hindi lamang kooperasyon ng dalawang bansa, kundi diyalogo rin sa pagitan ng dalawang sibilisasyon, aniya.
Salin: Vera