Noong nagdaang Pebrero, pormal na isinapubliko ang plano sa pag-unlad ng Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area. Sa kauna-unahang Overseas Chinese Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area Conference na ginanap nitong Martes, Nobyembre 12, 2019, ipinahayag ng mga mangangalakal ng Hong Kong at Macao na ang konstruksyon ng greater bay area ay nagkakaloob ng bagong pagkakataon para sa pag-unlad ng rehiyon ng Hong Kong at Macao.
Sinabi ng mga mangangalakal na nitong nagdaang ilang araw, inilunsad ng pamahalaang sentral ang isang pangkat ng mga patakaran at hakbangin na naglalayong maghatid ng benepisyo sa mga mamamayan ng Hong Kong at Macao, lalung lalo na, mga kabataan. Anila, gusto nilang patingkarin, kasama ng ibang lunsod sa greater bay area, ang pagkokomplemento sa bentahe, para hanapin ang komong kaunlaran.
Salin: Vera