Sa kanyang eksklusibong panayam kamakailan sa Radio the Greater Bay ng China Media Group (CMG), ipinahayag ni Ho lat Seng, Ika-5 Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (Macao SAR), na dapat buong tatag na ipatupad ng Macao ang Isang bansa, Dalawang Sistema, at samantalahin ang pagkakataon ng pag-unlad ng Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area.
Diin ni Ho, ang unipikadong bansa ay paunang kondisyon ng prinsipyong Isang Bansa, Dalawang Sistema. Dapat aniyang pangalagaan ang awtoridad ng konstitusyon at saligang batas, at sa ilalim ng pamumuno ng pamahalaang sentral, buong tatag na ipatupad ang nasabing prinsipyo.
Tinukoy ni Ho na bago bumalik sa inang bayan, ang di-mabuting kabuhayan sa Macao noong isang panahon ay nagbunsod ng kaguluhan ng lipunan, kaya may komong palagay ang mga mamamayan sa pangangalaga sa katatagan ng Macao. Ang kasalukuyang taon aniya ay ika-20 anibersaryo ng pagbalik ng Macao sa inang bayan. Dahil dito, umunlad ang kabuhayan, bumuti ang pamumuhay ng mga mamamayan, at tumaas ang katayuang pulitikal ng mga mamamayan, saad niya. Dagdag ni Ho, sa hinaharap, dapat pahalagahan ang pakikipagpalitan sa interyor, para maisakatuparan ang komong kaunlaran ng Greater Bay Area.
Salin: Vera