Ayon sa isang news briefing na idinaos Martes, Oktubre 15, 2019 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Guangdong ng Tsina, gaganapin sa Oktubre 21 hanggang 23 ang Ika-3 China (Guangdong) International Communication Forum ng "21st-Century Maritime Silk Road." Matapos ang matagumpay na pagdaraos ng dalawang katulad na porum, ang gaganaping porum ay patuloy na itataguyod ng China Media Group (CMG) at pamahalaang panlalawigan ng Guangdong, at isasagawa ng Tanggapan ng Impormasyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Guangdong at pamahalaang panlunsod ng Zhuhai.
Noong unang walong buwan ng kasalukuyang taon, umabot sa halos 20 libo ang bilang ng mga bagong rehistradong bahay-kalakal sa Chinese mainland. Lumaki rin ng halos 10% ang halaga ng kalakalan ng mga bansang may kinalaman sa "Belt and Road." Kasabay nito, kinakaharap din ng kooperasyong pandaigdig ng "Belt and Road" ang mga bagong hamon, kaya lubos na kailangang palakasin ng mga media ng iba't-ibang bansa ang kanilang kooperasyon. Inimbitahan ng porum ang mga namamahalang tauhan ng 18 pangunahing media ng 18 bansa't rehiyon.
Bukod dito, inimbitahan din nito ang mga 300 panauhing Tsino at dayuhan na kinabibilangan nina Angus S. Deaton, Nobile Prize Winner sa Economics, David Gosset, tagapagtatag ng China-Europa Forum, Fan Gang, Presidente ng Pundasyon ng Pananaliksik sa Reporma ng Tsina, at iba pa.
Salin: Lito