Sa panahon ng kanilang pagsali sa "Challenge Cup" National Undergraduate Extracurricular Academic Science and Technology Works Competition, dumalo ang mga estudyante ng mga kolehiyo ng Hong Kong at Macao sa isang aktibidad ng pakikipagpalitan sa mga kabataan ng Hong Kong at Macao na matagumpay na nagbukas ng negosyo sa Chinese mainland, at mga miyembro ng All-China Youth Federation sa Beijing nitong Nobyembre 12, 2019.
Isinalaysay ng mga kabataan na matagumpay na nagpasimula ng negosyo sa Chinese mainlad ang kani-kanilang karanasan sa pagsisimula ng sarili nilang negosyo.
Nitong nakalipas na ilang taon, tuluy-tuloy na bumubuti ang kapaligiran ng inobasyon at pagbubukas ng negosyo sa Chinese mainland, at walang humpay na inilunsad ang iba't ibang hakbanging nagkakaloob ng ginhawa para sa pagnenegosyo ng mga taga-Hong Kong at taga-Macao sa Chinese mainland, bagay na nakapagkaloob ng malawakang espasyo para sa pag-unlad ng mga kabataan ng Hong Kong at Macao.
Salin: Vera