Sinabi ngayong araw, Huwebes, ika-14 ng Nobyembre 2019, sa Beijing, ni Tagapagsalita Gao Feng ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na tinatalakay ngayon ng panig Tsino at Amerikano ang hinggil sa saklaw ng pagkansela sa mga karagdagang taripa sa isa't isa.
Ipinahayag ni Gao, na nagsimula ang trade war ng Tsina at Amerika, dahil sa pagpataw ng panig Amerikano ng karagdagang taripa sa mga panindang Tsino, at dapat matapos ito sa pamamagitan ng pagkansela sa mga idinagdag na taripa. Aniya, kung mararating ng dalawang panig ang unang yugto ng kasunduan, ang saklaw ng pagkansela sa mga karagdagang taripa ay dapat lubos na magpakita ng kahalagahan ng kasunduang ito batay sa pananaw ng kapwa panig.
Salin: Liu Kai