Bangkok, Thailand—Nakipagtagpo nitong Lunes, Nobyembre 4, 2019 si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Robert O'Brien, National Security Adviser ni Pangulong Donald Trump ng Amerika at puno ng delegasyong Amerikano sa Ika-14 na East Asia Summit.
Ani Li, ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano ay komong hangarin ng komunidad ng daigdig. Dapat aniyang igalang ng kapuwa panig ang nukleong interes at mahalagang pagkabahala ng isa't isa, kontrulin ang pagkakaiba batay sa pagkakapantay-pantay at paggagalangan, palawakin ang kooperasyon batay sa muwal na kapakinabangan at win-win situation, at pasulungin ang pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano alinsunod sa tumpak na landas.
Saad naman ni O'Brien na kahit may alitan sa pagitan ng Tsina at Amerika, dapat maayos na hawakan ng kapuwa panig ang mga alitan, sa pamamagitan ng konstruktibong paraan, at pasulungin ang bilateral na relasyon.
Salin: Vera