Nag-usap sa telepono, kahapon, Sabado, ika-16 ng Nobyembre 2019, sina Liu He, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, Pangalawang Premyer ng bansa, at Puno ng panig Tsino sa komprehensibong diyalogong pangkabuhayan sa Amerika; Robert Lighthizer, United States Trade Representative; at Steven Mnuchin, Kalihim ng Tesorerya ng Amerika.
Tinalakay ng dalawang panig ang hinggil sa kani-kanilang mga nukleong pagkabahala sa unang yugto ng kasunduan. Sinang-ayunan din nilang panatilihin ang mahigpit na pag-uugnayan.
Salin: Liu Kai