Mahigpit na kinondena at buong tatag na tinutulan Nobyembre 20, 2019, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang senado ng Amerika na nagpatibay sa Hong Kong Human Rights and Democracy Act ng 2019.
Sinabi ni Geng na ang aksyong ito ng Amerika ay grabeng lumabag sa pandaigdig na batas at mga pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig.
Binigyan-diin niya na ang Hong Kong ay Hong Kong ng Tsina, at ang mga suliranin nito ay suliraning panloob ng Tsina. Dapat agarang itigil ng Amerika ang pakikialam sa mga suliraning ng Hong Kong, kung hindi, isasagawa ng Tsina ang hakbangin, para mapangalagaan ang soberanya, kaligtasan, at pag-unlad ng bansa, aniya.
Salin:Sarah