Bilang tugon sa krimen at karahasan ng mga radikal sa Hong Kong na nauwi sa pagkasugat at pagkamatay ng mga inosenteng tao at suspensyon ng klase sa mga paaraalan, ilang mga dating lider na dayuhan ang nagpahayag ng kani-kanilang kondemnasyon. Ipinahayag din nila ang pagkatig sa pamahalaang sentral ng Tsina sa pagpapatigil sa karahasan.
Inilalarawan ni George Vassiliou, dating pangulo ng Cyprus ang ginawa ng mga rioters bilang terorismo, sa halip na demokrasya na tulad ng kanilang ipinagrarali. Ipinahayag naman ni Boris Tadić, dating pangulo ng Serbia ang pagkasindak at kalungkutan sa pagkamatay ng isang 70 taong gulang na manggagawa makaraang tamaan sa ulo ng ladrilyong ihinagis ng mga radikal. Ipinahayag naman ni Danilo Türk, dating pangulo ng Slovenia ang pagkatig sa pamahalaang Tsino sa pagpapatigil sa karahasan at pagpapanumbalik ng kaayusan sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).
Salin: Jade
Pulido: Rhio