Nakipagtagpo Nobyembre 21, 2019, si Pangalawang Pangulo Wang Qishan ng Tsina sa delegasyon ng Partidong Demokratiko at Partidong Republikano ng Amerika, na dumating ng Beijing para lumahok sa Ika-11 Diyalogo ng mga Partido ng Tsina at Amerika.
Ipinahayag ni Wang na datapuwa't mayroong ilang alitan, mabuti sa kabuuan ang relasyong Sino-Amerikano sapul nang pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa. Ang buong daigdig ay nagbibigay ng pansin sa relasyong Sino-Amerikano. Dapat palakasin ng dalawang panig ang kooperasyon, pasulungin ang malusog na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa at katatagan at kapayapaan ng buong daigdig. Umaasa si Wang na patuloy na magbibigay ang mga partido ng Tsina at Amerikano ng ambag para rito.
Ipinahayag nina Gary Faye Locke, kinatawan ng Partidong Demokratikano ng Amerika, at Alphonso Jackson, kinatawan ng Partidong Republiko, na ang matatag na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Amerika ay maaaring magdulot ng benepisyo para sa mga mamamayan ng dalawang bansa. Nakahanda ang dalawang partidong Amerikano na patingkarin ang positibong papel, panatilihin ang diyalogo sa Tsina, para magkasamang maayos na lutasin ang pagkakaiba at pasulungin ang mabuting pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.
Salin:Sarah