Bilang tugon sa pagbatikos kamakailan ni Mark T. Esper, Kahilim ng Tanggulang Bansa ng Amerika, sa mga kilos ng Tsina sa South China Sea na umano'y nagbabanta sa mga ibang bansa, ipinahayag sa Beijing Martes, Nobyembre 19, 2019 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang "mapagyabang na kalayaan" ng panig Amerikano sa South China Sea ay tunay na ugat ng maigting na situwasyon sa karagatang ito. Aniya, ang pagpupukaw ng Amerika sa relasyon ng iba't-ibang bansa sa rehiyong ito, ay talagang nagbabanta sa kapayapaan at katatagan sa South China Sea.
Dagdag ni Geng, pinapayuhan ng panig Tsino ang panig Amerikano na tumpak na pakitunguhan ang kasalukuyang positibong tunguhin ng situwasyon sa rehiyong ito. Dapat aniyang igalang at katigan ng Amerika ang ginagawang pagsisikap ng mga bansa sa rehiyong ito para sa pangangalaga sa katatagang panrehiyon, at itigil ang mga di-konstruktibo at di-responsibleng kilos sa rehiyon.
Salin: Li Feng