Ministrong Panlabas ng Tsina, nagpahayag ng solemnang paninindigan sa pagpasa ng Senadong Amerikano ng panukala hinggil sa Hong Kong
Ipinahayag nitong Huwebes, Nobyembre 21 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Minisitrong Panlabas ng Tsina ang solemnang paninindigan hinggil sa pagpasa ng Senado ng Amerika sa Hong Kong Human Rights and Democracy Act of 2019.
Winika ito ni Wang sa kanyang pakikipagtagpo kay William Cohen, dumadalaw na dating Kalihim ng Tanggulang-bansa ng Amerika sa Beijing.
Ang nasabing akto ay nagpapadala ng maling mensahe ng pagpapatawad sa mga marahas na kriminal, diin ni Wang.
"Paano nila pag-uusapan ang hinggil sa demokrasya at karapatang pantao, kung ang di-umano'y Rights and Democracy Act ay nagtatangkang manghimasok sa mga suliraning panloob ng iba pang mga bansa, batay sa panloob na batas ng Amerika, at pinababayaan nito ang kapinsalaang dulot ng ilegal na karahasan sa Hong Kong," dagdag pa ni Wang.
Salin: Jade
Pulido: Mac