Kaugnay ng pagpasa kamakailan ng Kongreso ng Amerika ng Hong Kong Human Rights and Democracy Act of 2019, ipinahayag ng iba't ibang sirkulo ng Hong Kong na nagbulag-bulagan ang nasabing panukala sa katotohanan, bumaligtad sa tama at mali, at walang pasubaling nakialam sa mga suliranin ng Tsina, sa kabila ng pandaigdigang batas at pundamental na norma ng relashyong pandaigdig. Lubos itong nagpapakita ng pagkukunwaring kabanalan ng ilang Amerikano sa pagsasagawa ng double standard, at tangka nilang manggulo sa Hong Kong at hadlangan ang Tsina.
Magkakasunod na nagpalabas ng mga magkasanib na pahayag ang mga deputado ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) at Direktor ng China Overseas Friendship Association sa Hong Kong, bilang mariing kondemnasyon sa nasabing panukala.
Ipinalalagay naman ng mga lider ng mga samahang komersyal ng Hong Kong na napapanatili ng Hong Kong at Amerika ang mahigpit na kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan. Ang maling kilos ng panig Amerikano ay tiyak na makakapinsala sa sariling interes nito, pati na rin sa kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng Hong Kong at Amerika.
Salin: Vera