Pagkaraang pagtibayin ng Kongreso ng Estados Unidos ang Hong Kong Human Rights and Democracy Act of 2019, hindi lamang buong tinding tinututulan at binabatikos ito ng mga mamamayang Tsino, kundi nakatawag din ng reaksyon ng komunidad ng daigdig. Ipinalalagay ng ilang personahe na ang ganitong aksyon ng mga pulitikong Amerikano ay nagtangkang hadlangan ang pag-unlad ng Tsina, sa pamamagitan ng isyu ng Hong Kong, at hanapin ang sariling interes.
Sa katunayan, paulit-ulit na nangyari sa iba't ibang sulok ng mundo ang katulad na palabas ng mga pulitikong Amerikano. Ang kanilang palabas ay nakapinsala sa interes ng ibang panig, nagbulag-bulagan sa katarungan, at wala anumang baseline.
Ngayon, sa panahon ng kaguluhan sa Hong Kong, muling itinanghal ang palabas ng mga pulitikong Amerikano, sa katwiran ng demokrasya at karapatang pantao. Pero, ang kanilang umano'y demokrasya at karapatang pantao ay nangangalaga sa mga elementong walang kaugnayan sa demokrasya at karapatang pantao na gaya ng gasoline bottle, fire bomb at maskara.
Sa mula't mula pa'y ang Hong Kong ay teritoryo ng Tsina, sa halip ng entablado ng mga pulitikong Amerikano. Tiyak na magsisilbing isang komedya ang anumang tangka sa panggugulo sa Hong Kong at paghadlang sa pag-unlad ng Tsina.
Salin: Vera