Kaugnay ng pagsagawa ng American warships ng dalawang araw na pagdaan sa South China Sea sa ngalan ng kalayaan ng paglalayag, ipinahayag nitong Biyernes, Nobyembre 22, 219 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palagiang iginagalang at pinangangalagaan ng panig Tsino ang kalayaan ng iba't-ibang bansa sa paglalayag at pagpapalipad sa South China Sea alinsunod sa pandaigdigang batas. Ngunit, buong tindi aniyang tinututulan ng Tsina ang pagsira ng anumang bansa sa soberanya at seguridad ng bansa sa katuwirang umano'y "kalayaan ng paglalayag," ani Geng.
Sinabi ni Geng na ang ilegal na pagpasok ng warship ng Amerika sa Nansha Islands, Xisha Islands, at mga nakapaligid na karagatan sa South China Sea, ay grabeng nakakapinsala sa soberanya at kapakanang panseguridad ng Tsina. Nakakasira aniya ito sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea. Iniharap na ng panig Tsino ang solemnang representasyon sa panig Amerikano para ipaabot ang mariing protesta, dagdag niya.
Salin: Li Feng