|
||||||||
|
||
Sa kasagsagan ng pagtapos ng marahas na kilos sa Hong Kong, pinagtibay ng ilang politikong Amerikano ang di-umano'y Hong Kong Human Rights and Democracy Act of 2019 kung saan sinusuportahan ang mga radikal at marahas na protesdor sa Hong Kong. Ang kanilang nagugustuhan ay ang pagiging mas magulo at lubos na mawasak ang Hong Kong. Kung itutuloy ang kaguluhan sa Hong Kong, mawawalan sa Hong Kong ang katayuan nito bilang sentrong pinansiyal sa buong mundo. Bunsod nito, lilisan sa Hong Kong ang mga talentong pinansiyal at high-level talents, sa gayo'y maaapektuhan ang pamilihang pinansiyal ng Tsina at mabibigyang-dagok ang pag-unlad ng kabuhayang Tsino.
Nagtatangka ang ilang politikong Amerikano na sa pamamagitan ng panghihimasok sa rehiyonal na halalan na gaganapin Nobyembre 24, aakyat sa arenang pulitikal ng Hong Kong ang puwersa nitong sinusuportahan. Ang pagpapagulo sa Hong Kong at pagpipigil sa Tsina, ay ang kanilang mas malaking hangarin. Nais ng ilang politikong Amerikano na gamitin ang marahas na aksyon para pukawin ang isang "Color Revolution" sa Hong Kong, sirain ang polisiyang "Isang Bansa, Dalawang Sistema," sirain ang malaking usapin ng unipikasyon ng Nasyong Tsino, at pigilin ang dakilang pag-ahon ng buong Nasyong Tsino.
Ngunit, hindi yuyukod ang Tsina sa naturang mga ipinapataw na sukdulang presyur ng Amerika. Ang mga suliranin ng Hong Kong ay nabibilangan sa suliraning panloob ng Tsina, at hinding hindi tatanggapin ng Tsina ang nasabing umano'y "act."
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |