Sa panahon ng kanyang pagdalo sa pulong ng mga ministrong panlabas ng G20 sa Nagoya, Hapon, sinabi kahapon, Sabado, ika-23 ng Nobyembre 2019, ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang pag-unlad ng kanyang bansa ay di-maiiwasang tunguhing hindi mahahadlangan ng anumang puwersa. Dagdag niya, ang pagtutulungan para sa win-win result ay dapat maging tamang pagpili ng Tsina at Amerika.
Pinuna rin ni Wang ang Amerika sa pagsasagawa nito ng unilateralismo at proteksyonismo, paggamit ng pambansang kapangyarihan para sa pagpapabagsak ng mga kompanyang Tsinong nagsasagawa ng lehitimong mga negosyo, paninirang-puri sa Tsina nang walang kabatayan, at pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina. Sinabi rin niyang, bilang siyang tanging super power sa daigdig, dapat isabalikat ng Amerika ang mga pandaigdig na responsibilidad, sundin ang mga pandaigdig na tuntunin, at tupdin ang mga pandaigdig na obligasyon.
Salin: Liu Kai