Tokyo, Hapon—Nakipagtagpo nitong Linggo, Nobyembre 24, 2019 si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, kay Yasuo Fukuda, dating Punong Ministro ng Hapon.
Saad ni Wang, sa kasalukuyan, tuluy-tuloy na bumubuti at umuunlad ang relasyong Sino-Hapones. Dapat aniyang ibayo pang pahigpitin ng kapuwa panig ang pagtitiwalaang pulitikal, palalimin ang pragmatikong kooperasyon, at alisin ang mga hadlang, para mapanatili ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Fukuda na binuo niya, kasama ng mga personahe ng iba't ibang sirkulo ng bansa ang Instituto ng Pagpapalitang Kultural ng Komunidad ng Asya. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng nasabing instituto, mapapalakas ang pagpapalitang tao sa tao ng dalawang bansa, at gagawin ang positibong ambag para sa pagtatatag ng Komunidad ng Asya, maging ng community with a shared future for mankind.
Salin: Vera