|
||||||||
|
||
Sabado, Nobyembre 23 (local time), 2019, dumalo si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng G20 na ginanap sa Nagoya, Hapon.
Ipinahayag ni Wang na dumarami ang panganib ng pagbaba ng kasalukuyang kabuhayang pandaigdig, at puno ng elementong kawalang katatagan at katiyakan ang daigdig. Bilang tugon, iniharap ni Wang ang apat na mungkahing kinabibilangan ng una, dapat igiit ang multilateralismo, at itakwil ang unilateralismo at proteksyonismo; ikalawa, dapat igiit ang pagbubukas at pasulungin ang liberasyon at pagsasaginhawa ng kalakalan at pamumuhunan; ikatlo, dapat igiit ang pagkakapantay at katarungan at pasulungin ang reporma sa pandaigdigang sistemang pinansyal; ikaapat, dapat igiit ang pagkabalanse at inklusibidad para makalikha ng kondisyon sa pagsasakatuparan ng sustenableng pag-unlad.
Dagdag pa ni Wang, nakahanda ang Tsina na ibahagi ang karanasan ng pag-unlad sa iba't-ibang bansa sa daigdig para mapasulong ang walang humpay na pagtatamo ng progreso ng usapin ng pagbabawas ng karalitaan sa daigdig.
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |