Magkahiwalay na nagpadala ng liham sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon bilang pagbati sa pagdaraos ng kauna-unahang pulong ng mekanismo ng konsultasyon ng Tsina at Hapon sa mataas na antas sa pagpapalitang tao sa tao.
Tinukoy ni Xi na sa kasalukuyan, ang daigdig ay nakakaranas ng walang katulad na pagbabago sa kasaysayan, at ang sibilisasyon ay nagiging di-maihihiwalay na puwersa para sa pagharap ng sangkatauhan sa mga komong hamon, at pagtungo sa magandang kinabukasan. Dapat aniyang samantalahin ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa ang galaw ng panahon, palakasin ang pagpapalitan, at magkasamang likhain ang bagong kabanata ng sibilisasyon ng sangkatauhan.
Diin ni Xi, umaasa siyang magkasamang gagamitin ng panig Tsino't Hapones ang naturang mekanismo, upang mapasulong ang pagpapalitang tao sa tao.
Sa kanya namang liham na pambati, ipinahayag ni Abe ang pag-asang gagawa ang mekanismong ito ng ambag para sa paglikha ng bagong kinabukasan ng relasyong Sino-Hapones.
Salin: Vera