Lumisan ng Beijing ngayong araw, Nobyembre 22 si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, para dumalo sa Pulong na Ministeryal ng G20 sa Nagoya, Hapon at magsagawa ng opisyal na pagdalaw sa nasabing bansa. Ginawa ni Wang ang kanyang biyahe sa Hapon sa paanyaya ni Toshimitsu Motegi, Ministrong Panlabas ng Hapon.
Ito ang ipinahayag ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon nitong Huwebes, Nobyembre 21.
Sa kanyang pagdalaw na tatagal hanggang Nobyembre 26, magkasamang mangungulo sina Wang at Motegi ng Kauna-unahang China-Japan High-level Consultation Mechanism on People-to-People Exchanges.
Salin: Jade
Pulido: Mac