Ginanap nitong Martes, Nobyembre 26, 2019 ang Ika-3 Consular Liaison Meeting ng Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas.
Sa kanyang talumpati sa pulong, ipinahayag ni Tan Qingsheng, Charge d'Affaires ng Tsina sa Pilipinas na ang mekanismo ng liaison officer for consular assistance ay isang bagong hakbangin na inilunsad ng Ministring Panlabas ng Tsina sa buong mundo. Aniya, layon nitong lubos na gamitin ang mga yamang lokal, at patingkarin ang bentahe ng mga lider at grupo ng mga etnikong Tsino, para ibayo pang pataasin ang kakayahan ng mga konsulado sa pangangalaga at pagbibigay-tulong sa mga overseas at ethnic Chinese.
Isinalaysay naman ni Consul General Luo Gang na mula noong Enero hanggang Setyembre, umabot na sa 1.35 milyon ang bilang ng mga turistang Tsino sa Pilipinas. Tinataya aniyang lalampas sa 1.5 milyon ang bilang na ito sa buong taon, at ito ay lalaki ng 20% kumpara noong isang taon. Sa panahong iyan, sa kauna-unahang pagkakataon, hahalinhan ng Tsina ang Timog Korea bilang pinakamalaking bansang pinanggagalingan ng mga turista ng Pilipinas.
Salin: Vera