|
||||||||
|
||
Ginanap nitong Lunes, Nobyembre 25, 2019 sa Manila ang talakayan ng Tsina at Pilipinas sa pamumuhunan at kalakalan. Dumalo sa talakayan sina Lv Xinhua, Tagapangulo ng Council for Promoting South-South Cooperation ng Tsina, Tan Qingsheng, Charge d'Affaires ng Tsina sa Pilipinas, Ceferino S. Rodolfo, Undersecretary ng Department of Trade and Industry Philippines (DTI), Francis Chua, Tagapangulong Pandangal at Direktor ng Philippine Chamber of Commerce & Industry (PCCI), at ang mga kinatawan ng halos 60 bahay-kalakal ng dalawang bansa. Malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang kapuwa panig tungkol sa kapaligirang pang-negosyo ng Pilipinas, karanasan sa pamumuhunan, pagkakataon sa kooperasyon, at iba pa.
Si Lv Xinhua, Tagapangulo ng Council for Promoting South-South Cooperation ng Tsina
Ipinahayag ni Lv Xinhua na sa kasalukuyan, mahigpit ang relasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at Pilipinas, at madalas ang pagpapalitan ng mga tauhan. Umaasa aniya siyang lubos na gagamitin ng mga kalahok na bahay-kalakal ng dalawang bansa ang plataporma ng nasabing talakayan, para mapahigpit ang pag-uunawaan, at hanapin ang pagkakataon sa pamumuhunan at commercial partner.
Si Ceferino S. Rodolfo, Undersecretary ng Department of Trade and Industry Philippines (DTI)
Sinabi naman ni Rodolfo na palagiang pinahahalagahan ng kanyang bansa ang kooperasyong komersiyal sa Tsina. Umaasa siyang matutuklasan ng mga dumadalaw na Tsinong mangangalakal ang napakalaking potensyal ng pamilihan ng Pilipinas, mainam na gagamitin ang mga maginhawang kondisyon ng Pilipinas sa taripa at mga patakaran, at gagawing hub ang Pilipinas para mapalawak ang pamilihan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Hapon, Timog Korea, Europa at Amerika.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |