Idinaos kahapon, Lunes, ika-27 ng Oktubre 2019, sa Beijing, ang ika-5 pulong ng Bilateral Consultation Mechanism (BCM) ng Tsina at Pilipinas hinggil sa isyu ng South China Sea. Lumahok dito ang mga opisyal ng dalawang bansang namamahala sa mga suliraning panlabas at pandagat.
Positibo ang kapwa panig sa mainam na tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino, at binigyang-diin nilang dapat malalim na ipatupad ang mga narating na komong palagay nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Rodrigo Duterte. Pinahahalagahan din nila ang papel ng BCM sa pagpapasulong ng kooperasyong pandagat, maayos na pagkontrol at paghawak ng mga pagkakaiba, at pagpapalakas ng pag-uugnayan at pagtitiwalaan.
Kinumpirma ng kapwa panig, na bumubuti ang kalagayan sa South China Sea, at positibo ang natamong progreso ng Tsina at Pilipinas sa kooperasyong pandagat sa iba't ibang aspekto. Tinalakay nila ang hinggil sa pagpapalakas ng mga konkretong proyektong pangkooperasyon sa paghahanap at pagliligtas sa dagat, kaligtasang pandagat, siyentipikong pananaliksik sa dagat, pangangalaga sa kapaligirang pandagat, pangingisda, at iba pa.
Inulit din ng dalawang panig ang kahalagahan sa komprehensibong pagpapatupad ng Declaration on Conduct of the Parties in the South China Sea. Positibo sila sa mga progreso sa pagsasanggunian hinggil sa Code of Conduct in the South China Sea, at ipinangako ng dalawang panig ang pagsisikap para marating sa lalong madaling panahon ang Code of Conduct na mabisa at may mga substansyal na nilalaman.
Sinang-ayunan ng dalawang panig na idaraos sa unang hati ng susunod na taon sa Pilipinas ang ika-6 na pulong ng BCM.
Salin: Liu Kai