Nakipagtagpo Nobyembre 27, 2019, dito sa Beijing, si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina kay Pangalawang Ministrong Panlabas Le Hoai Trung ng Biyetnam.
Ipinahayag ni Wang na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat itatag ang komprehensibo at sustenableng organong pangseguridad, at ito'y kalutasang nakikita ng Tsina sa kaligtasan ng Gitnang Silangan. Binati ni Wang ang pagtatamo ng mabuting bunga sa pagsasanggunian ng Tsina at Biyetnam hinggil sa hanggahan, at ipinahayag na dapat lalo pang palakasin ng Tsina at Biyetnam ang pagtitiwalaan at ang kooperasyon, para pasulungin ang bagong pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Ipinahayag ni Le Hoai Trung na nakahanda ang Biyetnam na magsikap, kasama ng Tsina, para pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng dalawang bansa.
Salin:Sarah