|
||||||||
|
||
New York — Sa kanyang pagdalo nitong Miyerkules, Setyembre 25, 2019 sa United Nations (UN) Security Council Ministerial Debate on the Regional and Subregional Organizations in Maintaining Peace and Security, inilahad ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina ang mga ginagawa nitong hakbangin para mapigilan ang terorismo at alisin ang ekstrimismo sa Xinjiang.
Ipinagdiinan niya na isinasagawa ng pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang ng Tsina ang mga hakbangin para mabisang mapigilan ang madalas na insidente ng terorismo at maigarantiya hangga't makakaya ang mga pundamental na karapatan ng 25 milyong mamamayan sa lugar na ito.
Idinagdag pa niya na binabalewala ng ilang bansang Kanluranin na tulad ng Amerika ang mga katotohanan, at binabatikos at sinisiraan ang mga lehitimong hakbangin ng Tsina. Buong tinding tinututulan ng Tsina ang mga ito, at hindi rin kinikilala ng komunidad ng daigdig, aniya pa.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |