Mahigpit na kinondena ng maraming miyembro ng HKSAR Legislative Council ang pagsasabatas ng Amerika ng Hong Kong Human Rights and Democracy Act of 2019. Tinukoy nila na ang aksyong ito ay pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, at ito ay walang dudang kilos na hegemonista.
Ipinahayag ni Martin Liao Cheung Kong, miyembro ng HKSAR Legislative Council na ang ipinasang batas na may kinalaman sa Hong Kong ay walang anumang maitutulong sa pagpapahupa ng kalagayan ng HK, at tiyak na sumira ito ng mainam na kalagayan ng relasyon ng Hong Kong at Amerika nitong nakaraang maraming taon, at nakasira rin sa kapakanan ng Amerika sa Hong Kong.
Sinabi sa pahayag na ipinalabas ng Democratic Alliance for the Betterment and Progress of Hong Kong (DAB)na ang aksyong ito ng Amerika ay malubhang nakialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, lumabag ng pandaigdigang batas at prinsipyo ng relasyong pandaigdig. Hiniling nito sa Amerika na agarang itigil ang panghihimasok sa mga suliranin ng Hong Kong. Sinabi din ni Chow Ho-ding, Pangalawang Tagapangulo ng DAB na ang batas ng act ay magdudulot ng mas masamang epekto sa kasalukuyang kalagayan ng negosyo sa Hong Kong.
Tinukoy ni Lo Wai-kwok, Tagapangulo ng Business and Professionals Alliance for Hong Kong, na may kooperasyon ang Hong Kong at Amerika sa maraming larangang tulad ng kabuhayan, kalakalan, batas at iba pa. Pero ngayon, sira na ang mabuting relasyong ito dahil sa naturang batas.
Salin:Sarah