Nitong 22 taong nakalipas sapul nang panumbalikin ang kapangyarihan ng Tsina sa Hong Kong, hindi lamang napawi ng Hong Kong ang pang-a-alipusta ng mga kolonista, kundi sa ilalim ng pagsuporta ng pamahalaang sentral, tinamasa nito kasama ng Chinese mainland, ang natamong bunga ng reporma at pagbubukas sa labas. Bunga nito, natamo ng lugar na ito ang napakalaking pag-unlad.
Sa harap ng pag-ahon ng bagong Tsina, ginagamit ng mga politiko ng ilang bansang Kanluraning tulad ng Amerika, ang mga pandaraya sa iba't-ibang porma na tulad ng panggugulo sa Hong Kong para pigilan ang pag-unlad ng Tsina. Tiyak na mabibigo ang tangkang ito. Walang anumang bansa sa daigdig ang nagpapahintulot sa pagsasagawa ng marahas na kilos sa katwiran ng demokrasya, at pagpupukaw ng black terror sa katwiran ng kalayaan.
Ang Hong Kong ay magpakailanma'y bahagi ng Tsina. Kahit anong mangyari, ang Hong Kong ay bahagi ng teritoryo ng Tsina, at ito rin ay espesyal na rehiyong administratibo na pinangangasiwaan ng Republika ng Bayan ng Tsina. Hinding hindi pahihintulutan ng Tsina ang pagsira sa pundamental na balangkas ng "Isang Bansa, Dalawang Sistema," at imposibleng pahintulutan ang paghiwalay nito sa inangbayan.
Salin: Li Feng