Ang karahasan ay isa sa mga pinakamasamang elemento sa pagtakbo ng lipunan alinsunod sa batas, at ito ay hindi tinatanggap ng anumang bansa. Kung magaganap sa Amerika ang kasalukuyang karahasan sa Hong Kong, tiyak itong hahawakan ng mga departamento ng pagpapatupad ng batas ng Amerika sa pamamagitan ng mga matigas na hakbangin. Pero, ang mga pangyayari ngayon sa Hong Kong ay itinuturing ng mga politikong Amerikano na "magandang tanawin para sa demokrasya." Lubos nitong ipinakikita ang double standard na laging isinasagawa ng Amerika para sa sariling kapakanan at layong pulitikal.
Sa kasalukuyan, ang pagbibigay-wakas sa karahasan at pagpapanumbalik ng kaayusan ay pinakamalakas na mithiin ng mga mamamayan ng Hong Kong. Pero sa panahong ito, isinabatas kamakailan ng Amerika ang "Hong Kong Human Rights and Democracy Act of 2019." Ang aksyong ito ng pagsasagawa ng double standard ay magbibigay-suporta sa mga radikal, at magpapalala ng kalagayan sa Hong Kong. Dapat buong linaw na mapagtanto ng panig Amerikano ang negatibong epektong dulot nito, at dapat agarang iwasan ang mga masamang idudulot ng maling aksyong ito.
Salin: Liu Kai