|
||||||||
|
||
Inilabas Huwebes, Nobyembre 28, 2019 ng Tanggapan ng Komisyoner ng Ministring Panlabas ng Tsina sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong ang pahayag bilang mariing kondemnasyon sa paglagda ni Pangulong Donald Trump ng Amerika sa Hong Kong Human Rights and Democracy Act of 2019 bilang batas. Anang pahayag, ang aksyong ito ay grabeng pakikialam sa mga suliranin ng Hong Kong at suliraning panloob ng Tsina, at malubhang lumalabag sa pandaigdigang batas at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig.
Anang pahayag, ang umano'y batas ng panig Amerikano ay nakikipagsabwatan sa karahasan at krimen, at layon nitong sirain ang Hong Kong at prinsipyong "Isang Bansa, Dalawang Sistema," at hadlangan ang pag-ahon ng mga mamamayang Tsino. Tiyak na mabibigo ito, dahil hinding hindi pahihintulutan ito ng mga mamamayang Tsino na kinabibilangan ng mga kababayan ng Hong Kong, pati na rin ng komunidad ng daigdig.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |