Ipinatalastas Disyembre 2, 2019, ng Ministring Panlabas ng Tsina ang kapasiyahan ng pamahalaang Tsino na pansamantalang pagtitigil ng pagsusuri sa aplikasyon ng pagbisita ng mga bapor at eroplanong militar ng Amerika sa Hong Kong. Kasabay nito, ipapataw ng Tsina ang sangsyon sa National Endowment for Democracy at iba pang di-pampamahalaang organisasyong Amerikano na nagdulot ng kaguluhan sa Hong Kong. Ito'y kontra-atake ng Tsina sa pakikialam ng Amerika sa mga suliraning panloob ng Tsina sa Hong Kong. Ang kinabukasan at kapalaran ng Hong Kong ay nasa kamay ng mga mamamayang Tsino na kinabibilangan ng mga kababayang taga-Hong Kong. Tiyak na mapapanumbalik ang kasaganaan sa Hong Kong dahil sa suporta ng inang bayan.
Salin:Sarah