|
||||||||
|
||
Tian'anmen Square sa National Day holiday ngayong taon
Mga turistang Tsino sa Tian'anmen Square sa National Day holiday ngayong taon
Apektado ng dumaraming di-tiyak na elemento ng kabuhayang pandaigdig, nahihirapan ang Tsina sa pagpapanatili ng matatag na pag-unlad ng kabuhayan. Hindi ito tinututulan ng pamahalaang Tsino. Ipinagdiinan din ng Tsina na tulad ng dati matatagumpayan nito ang mga kahirapan, at susulong pa.
Masasabing pinagtuunan ng pansin ng mga taga-Kanluran, pangunahin na ang kabuhayan ng Tsina, at hindi nito pinag-aralan ang diwa ng mga mamamayang Tsino na nagtatampok sa paglikha, pagpupursige, pagkakaisa at pagkakaroon ng pangarap, na siyang nagpapasigla sa Tsina. Inilalarawan ang nasabing diwa ng mga kuwento ng mga mamamayang Tsino sa iba't ibang larangan na gaya ng mga pambansang bayani ng Space Program ng bansa at libu-libong delivery men.
Natutuhan din ng mga mamamayang Tsino ang pagiging inklusibo sa mahabang kasaysayan ng pag-unlad ng Nasyong Tsino. Nitong libu-libong taong nakalipas, pinagsasama ng Tsina ang sariling tradisyon at dayuhang sibilisasyon, at walang-humpay na umuunlad. Sa kasalukuyan, sinasalamin ang pagpapahalaga ng mga mamamayang Tsino sa harmonyang may pagkakaiba ng mga inisyatiba at mungkahi na iniharap nito para sa komong kaunlaran na gaya ng Belt and Road Initiative (BRI) at komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan para sa sangkatauhan. Ang pagpapahalaga sa pagiging inklusibo at pagpupursige ng bawat Tsino ay nagsisilbing pinakamatatag na lakas sa pagpapasulong ng pag-unlad ng Tsina.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |